May lungkot na mararanasan mo na parang hindi mo kakayanin. Parang mahirap huminga. Parang nakakatakot. Parang masakit. Para kang mawawala sa sarili. At may lungkot na, malungkot ka dahil hindi mo matanggap na nagiisa ka sa panahon ng buhay mo na akala mo kaya mo ng hindi.
Minsan iniisip mo kung baket? Nagtatanong ka sa mundo kung may pagugukulang ka ba. Pero ang sagot sa tanong mo’y mailap. Hindi lang talaga para sa iyo. Marahil hindi mo pa nahahanap. Maari din namang nahanap mo na pero pinakawalan mo. O, pwede din namang mas maige na magisa ka kaysa masaktan ka lang. Handa naman akong masaktang muli. Pero yun ay kung mamahalin din ako ng tunay. Saan nga ba mahahanap ang tunay na kaligayahan? Sa ibang tao ba? Sa mga bagay na nais mong makamtan? Sa tagumpay na iyong inaasam? Sa pera? Sa Diyos? Sa pagtanggap sa iyong saraling hanggang ganito na lang ang buhay mo? Maraming pwedeng pagmulan ang ligaya. Maraming paraan na ikaw ay pwedeng sumaya. Pero mas madalas ang may mga pagkakataon na kahit ang pagtanggap sa mga bagay bagay ay hindi sapat. Kagaya ng magmahal ka sa isang tao na hindi kailan man kaya kang mahalin.
Sa buhay may lungkot na sana hindi mo na lang naramdaman. Tulad ng pagmahal mo sa isang taong malayo. O sa taong mahalin mo na may iba ng mahal. O kahit ang pagmamahal sa isang taong hindi nya alam na mahal mo siya at duwag ka na sabihin ang tunay mong nararamdaman sa pagaakalang mawawala siya sa iyo.
May lungkot na nakaka-baliw. Minsan yun ang nararamdaman ko. Minsan nagiisip akong hindi na lang ito ang ganitong buhay na pinili ko. Sana iba na lang. Sana normal. Sana masaya. Sana totoo.
Puro sana.
Puro pangarap.
Puro kabiguan lang.
Sa buhay ng tao may lungkot na mararanasan. Ang tanog: kaya mo ba itong labanan?
Love letters and idealisms by Noel Abelardo